Para sa Bayan

tumblr_inline_nv891bz6rZ1rzjckd_540

Ipinagpalit niya ang oras at panahon niya para sa kalayaan ng Bayan mula sa mga Amerikano subalit mga kapwa rin niya kakampi ang kumuha ng nalalabi niyang oras.

Inuna niya ang bansa, bago ang pamilya, bago ang sarili, bago ang kahit sino, ngunit ang dapat ring tumayong pamilya niya ang sakanya’y tumuring sampid.

Ginugulan niya ng pawis, talino, at dugo ang laban para sa bayan ngunit ang bayan din ang kumuha ng kanyang pinagpawisan at nagpadanak ng kanyang dugo.

Binago ang sistema, pinatalsik ang nagtataksil na mga opisyal ng bayan subalit ang kanyang kawani ang siya ring pumigil sa pagbabago na kanyang ninanais.

Hangad niyang mamatay para sa bayan. Hindi para patayin ng bayan.

Ako ay isang hamak na estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas. Pinapaaral ng mga mamamayan ng bansa. Iskolar ako ng bayan kung ituring ngunit nararapat ba saakin ang bansag na ito? Isa ba akong katulad ni Heneral Luna? O ako rin ang papatay sa sarili kong kakampi? Uunahin ko rin ba ang aking sarili, tulad ng pinaghihinalaang pumatay kay Heneral Luna, tulad ng marami?

 Naalala kong kumaripas ako patungo sa sinehan galing bahay. Gahol na kasi ako sa oras; dapat lang na ako’y nagmadali. Akin pang nakaligtaan ang unang tatlong minuto ng palabas dahil sa bagal ng usad ng pila. Bahagya pa nga akong nainis dahil sa kaherang makupad kumilos. Pagpasok ko ay naguumpisa na ang pelikula; nagagalit na ang Heneral sa kanyang mga kawani. Noong mga oras na iyon, ang aking nasa isipan lang ay ang paggawa ng aking sulatin at ang pagtapos nito. Nanghinayang pa ako sapagkat hindi ako nakabili ng aking kakainin sa sinehan. Noong panahon din na iyon, hindi ko ikakailang lubos akong nananabik na mapanood ang pelikula dahil sa maraming kritikong nagsasabing maganda ito. Hindi ko rin inakalang ito ay may higit na maihahandog sa akin bukod sa inaasam kong dagdag na puntos.

Paglabas ko ng sinehan, iba na ang aking naging hinanakit. Hindi na dahil sa haba ng pila at sa bagal ng serbisyo ng kahera. Gusto ko nang sugurin ang mga opisyal sa Malacañang at magrebolusyon mag- isa. Gusto kong ituro ang bawat taong makita ko sa daan at itanong kung hanggang saan ba nito kayang ipaglaban ang bansa. Gusto kong hukayin ang puntod ng mga bumaril kay Heneral Luna, kay Paco, sa mga tauhan nito at buhayin- para patayin lang muli. Higit sa lahat, gusto kong titigan ang sarili ko- diretso sa mga mata- at sisihin ang sarili. Ni minsan, pinagmalasakitan ko ba ang bansa? Ako nga ay lantang lanta pag pinaguusapan ang problema ng republika at tila walang pakialam sa mga nagaganap sa bansa. Ang tagal kong naging ignorante. Ang tagal ko naging isang Buencamino. Isang Aguinaldo. Isang makasariling mamayan ng bansa. Sa pagpunta lang ng sinehan ay nahuli pa ako, paano nalang kaya sa iba kong mga haharapin? Nanghihinayang ako dahil wala akong makain habang nanonood, pero naisip ko bang hindi narin sapat ang nakakain ng kapwa ko Pilipino? Nakakalungkot isipin na kailangan ko pang masaksihan ang isang pelikula bago tuluyang umaksyon sa kalagayan ng bansa. Paano nalang ang mga hindi nakasaksi nito?

Ngayong natanggap ako bilang mag- aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, nararapat lang na maging Heneral Luna ako sa aking munting paraan. Hindi ko sinasabing magiging magagalitin din ako. Subalit oo, sasabak ako. Sasabak ako sa digmaan. Para sa bayan. Magpapakdalubhasa ako sa aking napiling kurso at magsusumikap na makapagtapos, upang mapagpatuloy ang pagbibigay parangal sa bayan at sa mga namatay para sa kanya. Imposibleng maibalik ko ang buhay ng mga namatay para sa bayan dahil sa kagagawan ng kapwa- kababayan, ngunit may magagawa ako para buhayin ang mga utak na nakatuon sa kawalan. Sa abot ng aking makakaya, sa pamamagitan ng aking mga salita, pipilitin kong buksan ang mga isip at mata, ang mga damdamin at diwa ng aking kapwa- Pilipino, para huwag maging bulag sa sariling kagustuhan lamang. Hindi ko kailangang mamuno at magsimula ng rebulusyon, subalit oo. Ako ang magiging Heneral ng sarili kong pagkatao at magsisismula ako sa sarili ko.

Para sa bayan.


Photos are not mine. Credits to artfulregalia.tumblr.com and living-metaphorically.tumblr.com!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s